First time akong bumiyahe ng naka costume, lagare kasi ng 2 pang event, isa sa manila, isa sa taipei. I usually go in and out of the country in jeans and shirt, typical na sa akin na ibinababa ng taxi sa domestic terminal at kinakailangan ko pang sabihing abante po manong, international po. (lagi kasi akong Philippine Airlines dahil.. Sayang ang miles.. He he) Paminsan naka sandals pa nga ako na binili ko sa boracay bago pa masunog ang dating talipapa sa halagang 100 php (na akala ng iba ay nike na dalawang libo! Ano ako hilo!) Kasi I travel in comfort, magbabalibag ka ba naman ng bag na kasya ang dalawang pamangkin mo mag papaka fashionista pa ba ako. Gusto ko mabilis, komportable at hindi ako didipende sa kagandahang loob ng iba para lang tulungan ako (but in fairness sa maraming cultura, ang lalaking pinoy nga ang pinaka chivalrous -- palagi na lang akong nakakasalubong ng babae sa elevator ng asus na may dalang CRT monitor at PC na hinahatak niya sa ilang palapag na walang tutulong man lang sa kanyang lalaki.. Maaring inculcated na sa kanila ang mga disciplinang at rules na gaya ng give way to elders or disabled passengers, pag pila ng maayos etc. etc. pero yung mga unwrittens, mas lamang na lamang naman ang pinoy.) Mabilis akong makakila ng luggage at ng designated sundo (surreal nung una akong pinapunta sa taiwan ng opisina noon.. Pag dating ko sa airport, nakita ko ang driver na susundo sa akin na may hawak na karatula with my name.. Feeling ko para akong diplomat o kung sinong big time executive ng isang multinational, o kaya Japanese papa ng isang yuki girl mail order bride "Nina - san! Mabuhay!".. Yun nga lang nakat-shirt at maong lang ako.. Pebrero noon, malamig, hindi talaga swak sa executive fantasies ko ang moment in time na yun.. Tumawag ako sa dad ko to tell them I've touched down.. Pero nginiiiig ako sa lamig.) gusto ko na lang makarating sa hotel, at dun na ako magtra-transform into Executive BB.
Sa Taiwan pa naman lahat nakaamerikana.. So costume kung costume! I've invested some sets of costumes already in all colors and sizes (ilang beses na rin naman akong pumayat - tumaba sa asus) sa pinas hindi ko nagagamit ang mga ito, pwera lang kung may official events and functions na kasama ko ang mga HQ guys, dressing the part kung baga.
So ayun, first time to really look like my demographics upward mobile global pinoy. He he kanina may isa pang nuance, hindi ko pala nakita ang karatula ko.. still in fairness, costumes give u access to an extra mile.. perception and appearance talaga.. while the tourist center paged my driver, another guy entertained me, and if you say u are from asus, they will think you are from the upper floor ngayon, dati sa factory ang picture sa head nila, sa basement (not that that is an insult -- am so proud of my fellow pinays in asus.) .. "u are from mr. Aguilar's place?" akala ko naman kung sinong aguilar.. Hinanting ba ako ni nene aguilar dahil di ako nakaboto? Matapos niya akong bigyan ng bday card every year walang humpay. this is where our taxes go. Ay ano ba layo na nilakbay ko. Aguilar pala as in Freddie, anak, this guy who talked to me is a Burmese based in Taiwan and he is so proud of my ka Freddie.. I now have major major respect to the Freddie Aguilar.
anyway, i don't know what's in store for me here in Taiwan. just a few days, i don't want to stay so long anymore, wish me luck and Welcome to Taiwan.
No comments:
Post a Comment