kakaiba din itong pakiramdam, pagiimpake ng sarili matapos ang dalawang taon, nakaka5 ng lipat na ako ng bahay sa tanang buhay ko, unang lipat, wala pa akong muang, sa paranaque papuntang manila times, las pinas. pangalawa, tandang tanda ko pa, matagal na ring panahon, 1985ish times papuntang phil-am, (dito pa rin nakatira ang pamilya ko ngayon) linggo 'non, dahil ako ang pinakabata, ako ang pinag-taong bahay pagkatapos ng unang hakot, naalala ko na natakot akong mag-isa sa hindi ko kilalang bahay, nanuod na lang ako ng mickey and donald para maaliw, horror movie ang dating sa akin ng paninibago, bawat lagitik, bawat langitngit (pero kung mickey and donald lang ang palabas, mga 3 to 5 lang ng hapon iyun, exaggerated, kapapanood ng nakakatakot.) paglipat ko sa roxas, qc, di naman kinailangan ng lipat bahay, parang isang dorm room lang ang aking ari-arian nuon.. isang computer, ref, washing machine, toaster oven at component.. netong huling beses materialistic na ako, ngunit meron akong 2ng househelps nuong panahon na iyon.. hindi naging mahirap, pero oo marami na rin akong naipundar. Ngayon, kaloka, nagkakahon ako mag-isa. Sinanay ko na ang sarili na hindi magrely sa maids, isa't kalahating taon na rin akong solo.
may ibang high at low din ito, senti at emo moments, great that i have taken a mini sabbatical from usual life, paminsan magandang tumigil at lumingon, tumigil at huminga, tumigil ng wala nang ibang gagawin kundi ang pagtigil.
pagkatapos, arangkada muli.
No comments:
Post a Comment