masaya ito kwentong libre.. ilang araw na rin akong wala sa sirkulasyon kasi mahabang proseso ang maglipat ng lahat ng utilities ng lumang bahay sa bago.. at dahil sa photofinish last minute change of address ako (matagal na plinano ngunit walang panahong paandarin kungdi sa huling mga sandali.) napilitan akong lumipat ng wala pang nakaabang na telepono, internet etc.etc. sa aking tinutuluyan.
Plan A ko ang mag coffee shop camping, maglalagi sa isang istarbaks para makiplug, makiinternet, makikain at makiligo.. pero etong linggong ito ay hindi palaring mag-online ang service ng airborne access.. palagi na lang akong makakapagorder na ng gintong kape at marerealize na walang saysay ang pagbulatlat ko ng eee dahil walang kuneksyon.
Plan B internet cafe.. ok naman, connect agad, ngunit lahat ng files ko ay nasa computer ko na.. mas kumbinyente kasi na nakasave na ang passwords, ang frequently visiteds, ang files na iaattach na lang.. hayy.. can't have it all.
kanina desperada followed-up pldt and went to the building admin to rush request, sabi nila hindi daw allowed i transfer yung phone ko, i have to wait for their supplied number (apparently its been wired that way) and i cant have a dsl broadband because the building is only wired for destiny cable internet.. ngek.
what will i do with my access point and wifi ready pcs?
pero pero pero.. kanina, pinagtripan kong aralin ang capability ng access point ko, napansin ko kasi na pag maganda ang hangin, i get a hint of wifi from the neighborhood cybermall (pero the hint is useless kasi kailangan kong i angat ang pc ko habang nagtrabaho para mahagip ag signal kung meron man.) .. i need to amplify the signal so my pc can make use of it.. buti na lang nahawaan ako ng nerdness from my previous job.. vwalahh! sinampay ko ang access point ko sa tuktok ng bintana para sumimsim ng libreng wifi.. the AP amplifies as it repeats the signals.. Free wifi @ home... WAGI!
No comments:
Post a Comment